Previous Article from Peoples’s Journal on Sacred Heart Academy La Loma Valedictorian
Martha Daniels: Honor student turns bold starlet
Ni Noel Asinas - Journal Online
Wednesday, August 18, 2004 6:59:03 PM
PINAGTAKHAN ng marami si Martha Daniels, 21, kung bakit niya pinasok ang pagbu-bold sa showbis. Pati si Jessica Soho ay hindi makapaniwala kung bakit niya pinasok ang mundo ng paghuhubad.Consistent honor student si Martha. Nag-graduate siya sa elementary at high school na may honor sa Sacred Heart Academy of La Loma, Quezon City. Siya’y valedictorian nang nagtapos sa elementary at salutatorian noong high school.
Sa tertiary level, nakapasa siya bilang full scholar sa City College of Manila. Nag-graduate siyang cum laude sa kursong Mass Communications.
Bago niya naisipan ang showbis, natanggap siya bilang corporate PR ng isang big corporation. Tapos, lumipat siya sa isang company na nagpu-produce ng shows. Trabaho niya rito’y bilang event manager. Dito na niya nakilala si Richard Hinola, ang kanyang manager.
Naakit siya ni Richard sa showbis dahil bata pa siya’y hilig na niyang umarte. Wala lang siyang paraaan para pasukin ito. Kaya heto si Richard sa kanya na magga-guide sa pasikut-sikot ng showbis. Isasabak siya ni Richard bilang pa-sexy sa mga drama at comedy movies. Balak din siyang ipasok bilang TV host.
Temporary lang naman ang pagpapaseksi ko, pahayag ni Martha. Gusto kong makilala agad sa showbis kaya ako nangahas na magpakita ng katawan. Iyan naman ang ginagawa ng karamihan. Hindi mo akalain si Gloria Diaz na dating Miss Universe ay pumasok sa wet look movies noon. Hindi naman nagtagal si Gloria sa ganitong roles. Nagparamdam lang siyang marunong siyang umarte at puwedeng-puwede sa pelikula. Andiyan pa rin ang respeto ng tao sa kanya.
Nang na-interview si Martha ni Soho ng GMA 7, nagulat ang TV host kung bakit ang isang matalino at edukadang tulad niya’y naatim na magpakita ng katawan sa pelikula.
Hindi na nagtaka si Soho na ang katulad ni Martha ay isang modern Filipina na umaagapay sa panahon. Ilang din Hollywood actress na graduate sa Harvard Universitry ang pumasok sa showbis na nagbold rin.
Saka, approve naman ng boyfriend ni Martha ang pagpapakita niya ng flesh.
Naintindihan niya ang ginagawa ko sa showbis. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Professional din siya, isang engineer.
Nang nakausap namin ang manager ni Martha na si Richard, nasabi niyang: Hindi ko naman isasabak agad sa hubaran si Martha, hanggang paseksi lang. Sa talent niya sa akting, dancing at TV hosting ay marami siyang kalalagyan sa showbis.
April 15th, 2008 at 6:28 pm
richard hinola is a talented manager.
magaling sya. i know.
Frank